Jul 10, 2020

Tulak ng droga sa Coron, inaresto ng mga pulis

Isang lalaki ang nahuli ng mga awtoridad sa Coron dahil sa pagtutulak ng droga, Huwebes ng nadaling araw.

Kinilala ang hinihinalang pusher na si Romeo Macanas Castil Jr., 41, drayber at residente ng Brgy. Poblacion 5 sa naturang bayan.

Nahuli si Castil matapos makabili ang undercover agent ng Coron Municipal Police Station ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa halagang isang libong piso.

Matapos mahuli, nakuhanan din si Castil ng drug paraphernalia.

Sa ngayon, may kahaharaping kaso si Castil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry