- Advertisement by Google -

Naharang ng mga personnel ng City Mobile Force Company (CMFC) 2nd Platoon sa Barangay Inagawan Subcolony ang isang Mitsubishi Fuso, Close Van Truck na may kargang mga bagong putol na coco lumber na ang mga iprinisentang kaukulang dokumento ay expired na, bandang 11:20 kagabi.

Ayon sa report mula sa Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) na ibinahagi ng tagapagsalita nito na si P/Cpt. Joy Iquin, ang mga suspek ay sina Anwar Sala Jamil, 28, isang negosyante, at Abdul Aziz Jamil, 24, na driver ng sasakyan. Kapwa sila residente ng Brgy. Pulot Shore, Sofronio Española.

Noong nasabing oras ng June 30, hinanapan ang dalawa ng kaukulang dokumento na magpapatunay na legal ang pagputol sa mga coco lumber, ngunit ng beripikahin ay nakumpirma na expired ang mga ito.

- Advertisement -

Samantala, ayon sa source na tumangging magbanggit ng pangalan, ang petsang nakasaad sa dokumento na bitbit ng mga ito ay noong nakaraang buwan pa na bawal sa ipinatutupad na polisiya ng Philippine Coconut Authority (PCA).

Sa mga dalang dokumento ay sinasabing 200 piraso na nasa mahigit 2,000 board feet ang laman ng close van truck.

“Sa documents nila na May 17, 2022, pa ang transport dapat, tapos December 6, 2021, pa ang permit to cut, bawal yun,” ayon sa source ng Palawan News.

Sinabi din umano ng mga suspek na stock nila ang mga nasabing kahoy, ngunit ng silipin ng mga personnel ng CMFC 2nd Platoon nakitang freshly cut ang mga kahoy.

Sa dokumento naman galing sa Barangay Ransang sa bayan ng Rizal kung saan sinasabing galing ang mga coco lumber, ay inaalam pa ng mga pulis kung may katotohanan ito dahil ang mga suspek at truck na ginamit ay mula sa Sofronio Española.

Ang pagbibiyahe ng mga kahoy pinapayagan lamang tatlong araw matapos na mabigyan ng permit ng mga kaukulang ahensya.

Naibigay na ang kustodiya ng mga kahoy sa Police Station 2 (PS 2), habang hinihintay pa ang scaler mula sa PCA, ayon sa report ng PPCPO.

Posible naman na maharap sa kasong paglabag sa RA 8048 (Coconut Preservation Act of 1995) as amended by RA 10593 ang mga nabanggit na suspek.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleDAMANG-DAMA
Next article21 taong gulang na estudyante sa Brooke’s Point, nagtapos sa junior high
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.