[UPDATED] Isang 52 taong gulang na tricycle driver ang dinala sa ospital sa Brooke’s Point matapos suntukin ng dalawang beses sa mukha at mawalan ng malay, hapon ng Miyerkules sa Dolphine Alley, Sitio Buligay sa Barangay District I.

Ang biktima ay kinilalang si Rizaldo Rivera, 52, residente ng naturang barangay, samantalang ang suspek sa pananakit ay itinuro na si Ronnie Guinto, 27, magsasaka at residente ng Sitio Tamlang sa nasabi rin na munisipyo.

Ayon sa ulat na ibinahagi ng Palawan Police Provincial Office (PPO) sa pamamagitan ni P/Maj. Ric Ramos, may witness na nakakita kay Guinto nang suntukin niya ng dalawang beses si Rivera sa mukha.

Ang biktima nang nununtok na si Rizaldo Rivera, 52, ay makikitang nakahiga sa gurney matapos isugod sa Southern Palawan Provincial Hospital noong October 27. Nawalan siya ng malay matapos suntukin at matumba sa Barangay District I sa bayan ng Brooke’s Point. (Photo courtesy of Palawan Police Provincial Office)

Natumba si Rivera sa lupa at nawalan ng malay, samantalang si Guinto ay inawat na ng mga concerned residents.

- Advertisement -

Previous articleDuterte may run for Senate and serve as the campaign manager for the Dela Rosa-Go presidential ticket
Next articleDOT mulls free swab tests for tourists
is the chief of correspondents of Palawan News. She covers defense, politics, tourism, health, and sports stories. She loves to travel and explore different foods.