No Images found.

Top 8 most wanted, arestado sa Brgy. Sicsican

(Updated) Isang 19 anyos na lalaki na kinukonsiderang Top 8 most wanted sa provincial level dahil sa kasong panggagahasa ang inaresto ng mga awtoridad sa Purok Narra, Barangay Sicsican, Puerto Princesa City, umaga ng Abril 7.

Ang suspek na kinilalang si Michael Dave Dancil Yseg, may asawa, at residente ng Brgy. Taloto, Araceli ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na inisyu sa kanya ni Judge Emmanuel Artazo ng 4th Judicial Region, Family Court ng Taytay, Palawan, Branch 14-FC, noong Oktubre 20, 2020, at ito ay walang kaukulang piyansa.

Ang suspek ay nasa kustodiya ngayon ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) para sa kaukulang disposisyon.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry