Sep 30, 2020

Tindero sa palengke ng El Nido, huli sa buy-bust operation

Kinilala ang suspek na si Raymond Valencia Billones, 31, at tindera sa palengke sa Brgy. Villa Libertad sa El Nido. Ang kapalit na halaga ng nabiling shabu ng undercover agent ay P500.

(Photo courtesy of El Nido MPS)

 

 

EL NIDO, Palawan – Naaresto sa buy-bust operation ng pulisya dito ang isang tindero sa palengke matapos makabili sa kanya ang isang undercover agent ng isang sachet ng hinihinalang shabu, Sabado ng gabi, sa Sitio Nasigdan, Barangay Masagana.

Kinilala ang suspek na si Raymond Valencia Billones, 31, at tindera sa palengke sa Brgy. Villa Libertad sa El Nido. Ang kapalit na halaga ng nabiling shabu ng undercover agent ay P500.

Nadakip si Billones matapos makatanggap ang El Nido Municipal Poli(Photo courtesy of MPS El Nido)ce Station (MPS) ng tip mula sa isang impormante, ayon sa hepe nito na si P/Maj. Bronson Carampto.

Nakuha rin mula sa kanya ang limang pirasong plastic sachet na may lamang white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu, pera na nagkakahalaga ng P8,360 kasama na dito ang P500 marked money, isang motorbike XRM125, at iba pang paraphernalia.

Samantala, nagbabala si Carampto sa mga shabu peddler sa El Nido na itigil na ang pagbebenta dahil hindi sila titigil sa operasyon kahit mayroon pang modified general community quarantine.

“Lahat po ng illegal especially sa mga vices that would tend to violate the main health protocols being imposed by IATF in this pandemic COVID-19. Kaya sana magtulungan na lang tayo, besides para din ito sa ikabubuti ng lahat,” ayon kay Carampto sa Palawan News.

Samantala ayon kay Carampto nasa kustodiya na ng panlalawigang kulungan ang suspek habang kakaharapin nito ang kasong paglabag sa RA 9165.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry