Dalawang hindi pa nakilalang mga lalaki ang nang hold-up sa isang tindahan sa Barangay Candawaga, Rizal noong Martes ng hapon.

Ayon sa ulat ng Rizal police station, pinasok ng dalawang suspek na nakasuot ng face mask at sombrero ang tindahan at tinutukan ng baril ang may-ari nito bago nag deklara ng hold up.

Habang isinasagawa ang hold-up, tinutukan ng baril umano ng mga holdaper ang may-ari ng tindahan at pinigil ang ilang mga mamimili na nasa loob ng tindahan. Nagawa ng anak ng may-ari ng tindahan, kinilala sa police report na si Thea Mayo, na makatakas kasama ang ina nito at kapatid, at makahingi ng tulong sa mga kapitbahay.

“Pagpasok nila, dahil busy si mama, tinanong ko sila kung anong bibilhin. Hindi sumagot ang dalawang lalaki, tahimik lang, tapos maya-maya pumagilid na kay mama, tinutukan na ng baril tapos nag-declare na kaagad ng holdap,” pahayag ni Mayo sa Palawan News.

Ayon kay Thea Mayo, habang nakatutok ang atensyon ng dalawang holdaper sa mga customer na nasa loob ng tindahan, nagkaroon umano ng pagkakataon ang kanyang ina na makalabas at humingi ng tulong.

“Ang customer, siniguro nila na hindi makalabas ng tindahan — hinawakan ng holdaper kaagad. Naka focus sila sa customer na hindi makalabas at makatawag ng pansin sa mga tao sa labas. Yun ang chance ni mama na makatakbo palabas, ako naman na hindi nila napansin na may tao pala doon sa duyan, tumakbo na din ako palabas at doon ako nagsisigsiaw na ‘Holdaper! Holdaper!’.

Dagdag ni Mayo, nakarinig sila ng mga putok ng baril habang sila ay papalayo sa tindahan. Na recover ng mga pulis ang dalawang basyo ng bala habang nagsasagawa ng imbestigasyon.

Ayon din sa pulisya ng Rizal, hindi na itinuloy ng mga holdaper ang panloloob ng mga ito bagkus ay tumakas na lang sakay ng isang itim na scooter.

About Post Author

Previous article‘Uncharted’ removed from PH cinemas over 9-dash line scene
Next articlePamahalaang panlalawigan nagsagawa ng sports clinic sa bayan ng Brooke’s Point
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.