- Advertisement by Google -

Magkakaloob ang Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Tinagong Dagat sa bayan ng Narra ng cash reward sa mga mag-aaral na nasa Grade 7-11 na nakatanggap ng honor o karangalan sa kanilang nagdaang graduation bilang pagkilala sa kanilang sipag at tiyaga upang makapagtapos ng pag-aaral at makakuha ng karangalan.

Ayon kay SK Chairman Jeo Absulio, maaring dalhin sa kanilang tanggapan sa barangay hall ang mga requirements ng mga honor students na kwalipikadong makatanggap ng kanilang Junior High Academic Excellence Achiever Stipend Program (JHAEAP).

Dagdag niya, naglaan sila ng halagang P50,000 pondo para sa programa mula sa 10 percent SK fund ng barangay.

“Muli lang naming silang ire-recognized sa husay na kanilang pinakita. Ang halagang P50,000 ay hahatiin namin kung ilan ang makakapag-sumite sa programa. Ito ay para sa lahat ng honor student sa aming barangay simula grade 7 hanggang grade 11,” pahayag ni Absulio.

- Advertisement -

Bilin niya, dalhin lamang ng mga mag-aaral ang mga requirements kabilang ang school certification na magpapatunay na sila ay honor student, certificate ofndigency, Request Letter at Photocopy ng kanilang ID.

Dagdag niya, sila ay tatangap lamang ng requirements hanggang sa Agosto 5 ng kasalukuyang taon.

Magugunitang noong nagsimula ang distance learning ng mga estudyante, nagkaloob din ang SK ng mga financial assistance sa mga kabataan ng barangay bilang suporta sa kanilang pag-aaral.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleProvincial gov’t now accepting scholarship applicants
Next articleLPA headed out, but monsoon may still bring rains
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.