Ilan sa mga kabataang dumalo sa isinagawang teenage pregnancy symposium sa Alimanguan Covered Gym noong Abril 8, 2021.

SAN VICENTE, Palawan — Bilang bahagi ng isinagawang Enhanced Barangay Development Plan sa mga barangay ng Caruray, Port Barton, Poblacion, at Alimanguan, isinagawa rin ang isang teenage pregnancy symposium bilang kampanya para maiwasan ang maagang pagbubuntis sa mga kabataan, sa Alimanguan Covered Gym noong araw ng Huwebes, Abril 8.

Layunin din ng kampanya na mabigyan ng tamang kaalaman at impormasyon ang mga kabataan kaugnay sa pre-marital sex para na rin maiwasan ang maagang pagbubuntis.

Naging partisipante sa nasabing kampanya ang mga kabataang edad 12-19 taong gulang mula sa apat na barangay na umabot sa bilang na 356.

Ayon kay Mylene S Padrigo Midwife lll, Municipal population officer-designated, sa datos ng  San Vicente Rural Health Unit (RHU), ay nakapagtala ang bayan ng 121 bilang ng mga maagang pagbubuntis sa taong 2020, samantalang 119 naman para sa taong 2019.

Umaasa naman si Padrigo na pagkatapos ng kampanyang ito ay maging mabisa at tuluyang mapababa ang bilang ng mga kabataang maagang nabubuntis sa bayang ito.

“Sa magulang alamin palagi ang mga aktibidad ng kanilang mga anak at dapat meron din silang oras para kumustahin at kausapin ang mga anak. Magulang unang bestfriend ng mga anak. Sa mga kabataan naman piliin ang mga kaibigan na magbibigay lamang ng good influence at higit sa lahat, dapat may pangarap ang bawat kabataan para makamit nila ang magandang kinabukasan,” ani Padrigo.

Pinasalamatan din ni Padrigo ang mga tumulong upang matuloy ang aktibidad na kinabilangan ng kinatawan ng Commission on Population (POPCOM), Municipal Social Welfare and Development Office, at mga opisyales at Sangguniang Kabataan ng bawat barangay.

About Post Author

Previous articleIP elders call for temporary halt to resin extraction
Next articleMga katutubo ng Brgy. Mainit sa Brooke’s Point, pinagkalooban ng itik bilang dagdag pangkabuhayan
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.