Binuksan na sa publiko ang Tech4Ed Center na ipinagkaloob ng Department of Information Communications Technology (DICT) sa bayan ng Busuanga noong October 6.

Ayon sa information officer ng Busuanga na si Jonathan Dabuit, ipinagkaloob ng DICT and 3 laptop, 1 printer, at 1 wifi router sa Busuanga nitong buwan ng Oktubre.

Lahat ito ay libreng magagamit ng mga estudyante ng bayan para sa kanilang mga gawaing pang eskuwelahan.

“Malaking bagay po ito sa mga kababayan natin na may mga pangangailangan pagdating sa printing at online research nila, lalong-lalo na po sa mga kabataan at mga estudyante natin,” ayon kay Dabuit.

Ayon pa sa kaniya, may mga staff din ang tech4Ed center na siyang tutulong sa mga nais na gumamit dito upang alalayan sila sa kanilang mga pangangailangan.

Ang Tech4Ed Center sa kanilang bayan ay bukas alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon, lunes hanggang biyernes.

“Pinapa-log in lamang po ang mga papasok dito, no need na rin para sa i.d, sapagkat open at libre ito para sa lahat ng pwedeng gumamit,” dagdag niya.

Nitong nakalipas na taong 2021, napagkalooban din ang pamahalaang lokal ng DICT ng isang free wifi internet kung saan nag install ang kagawaran ng wifi connection sa mismong municipal ground nito sa pakikipagtulungan na rin ng United Nations Development Program (UNDP).

About Post Author

Previous articleMotorista, dead-on-the-spot matapos bumangga sa isang van sa Brgy. Concepcion
Next articleChina bans the Philippines as tourist destination due to offshore gaming
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.