Ipagpapatuloy sa bayan ng Taytay hanggang July 6 ang pagsasailalim dito sa GCQ “with heightened restriction” base sa inaprobahang Joint Resolution No. 36, series of 2021, ng Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) at Regional Task Force (RTF).

Ayon kay Joseph Cuaton ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Emergency Operations Center (EOC) ng Taytay dati ng nasa ilalim ng GCQ ang kanilang bayan ngunit kanilang napagpasyahan na ipagpatuloy ito upang malimitahan pa ang galaw ng mga residente at mapigilan ang pagdami ng mga pasyente na may COVID-19.

“Dahil po sa positive cases namin ay nananatiling GCQ tayo,” pahayag ni Cuaton

“Aming pakiusap na sundin ang lahat ng protocol para makaiwas at bumaba na ang kaso ng COVID-19 sa ating bayan,“ dagdag pa niya.

Sa kaslukuyan ang bayan ng Taytay ay may bilang na 88 aktibong kaso ng COVID-19, ayon kay Mark Lawrence Pleyto   Information Officer II ng munisipyo.

Isa lamang ang naitalang nag-positibo sa rapid antigen test at dalawa naman ang naitalang covid recoveries sa kanilang huling ulat noong Hunyo 23.

Previous articleDBP inks pact with SB Corp to boost MSME recovery
Next articleDahil sa pagbabanta, 2 inaresto ng Cuyo MPS
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.