Si Richard Ligad habang kinakausap ang kanyang mga personnel.

Sinibak ng hepe City Anti-Crime Task Force (CATF) at City Solid Waste Management Office (CSWDO) Richard Ligad ang isa nitong empleyado matapos itong magpositibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa isang surprise drug test na isinagawa noong Martes, January 17.

Sa naging pahayag ni Ligad sa Palawan News, kanya nang personal na nakausap ang empleyado na hindi na niya pinangalanan.

“Alinsunod na din sa privacy act, hindi na natin muna papangalanan ang tao. Nakapag-usap na kami, nakapag paalam na din siya ng maayos, sasailalim sa rehab,” ayon kay Ligad.

Dagdag pa ng opisyal, hindi ito ang unang pagkakataon na may nagpositibong empleyado sa surprise drug testing na taunang isinasagawa sa mga opisinang kanyang hinahawakan.

Layunin umano nito na maging malinis ang kanilang hanay lalo na at sila ang naatasan na magpatupad ng ilang mga batas sa lungsod.

Maaari naman umanong makabalik sa trabaho ang nasibak na empleyado sakaling magtuloy-tuloy ang rehabilitasyon nito.

“Kapag gustong magtrabaho ulit sa atin, mag apply siya, basta malinis na siya sa droga,” pahabol nito.

About Post Author

Previous articlePH Red Cross ramps up relief ops to flood-hit communities
Next articlePamamaril sa isang negosyante sa Brgy. Simpocan, maaaring hold up attempt
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.