Arestado ang isang 32 taong gulang na tattoo artist sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad kahapon, March 5, sa Villa Pinpin Subdivision, Purok Palawan Cherry sa Brgy. Sicsican.
Nakilala ang suspek na si Rodolfo Barroga Hagus, alyas Yanyan, tubong Sorsogon, at kasalukuyang residente ng Purok Dose, Sitio Tacduan, Brgy. Irawan.
Ang buy-bust ay isinagawa ng mga personnel ng Puerto Princesa Police Station 2-Special Drug Enforcement Team (PS2-SDET) at Puerto Princesa Anti-Crime Task Force (PPCATF) bandang alas singko ng Linggo.
Base sa report mula sa PS2, kumpiskado sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu, P1,800 na buy-bust money, at isang unit ng cellphone.
Kakaharap si Hagus sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.