Ang tatlong lalaking wanted sa kasong attempted homicide sa bayan ng Aborlan (Ang mga larawan na ito ay blurred na nang ibahagi sa Palawan News)

Tatlong lalaking wanted sa kasong attempted homicide ang inaresto ng awtoridad sa Sitio Maasin, Barangay Ramon Magsaysay sa bayan ng Aborlan, ngayong araw ng Sabado, September 18.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Pio Indic Gerehid Jr., alyas “George”, 30 taong gulang; Jomar Inog Salmorin, alyas “Dods”, 23, at Jude Merculio Gurdevilla, alyas “Rodel”, 40, — pawang mga residente ng nabanggit na lugar.

Sila ay inaresto sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Norferio B. Nono ng Municipal Trial Court ng Aborlan na may petsang July 27, 2021 at may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng P36,000 bawat isa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Ang tatlo ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Aborlan Municipal Police station.

- Advertisement -

Previous articleBise Gobernador Socrates hinirang na bilang gubernatorial candidate ng lokal na partido sa May 2022
Next articleMag-amang suspek sa pananaga, arestado sa bayan ng Taytay
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.