Tatlong lalaking wanted sa batas ang nadakip ng awtoridad sa magkakahiwalay na operasyon sa Puerto Princesa noong araw ng Sabado, August 21.

Unang naaresto ng operatiba ng City Police Station 1 (CPS 1) si Raymond Navarrete Juntado, 41 taong gulang, bandang 10:30 ng umaga. Dakong 11:00 naman bago magtanghali ay nadakip din ang kasama niyang si Conrado Garcia Francisco, 50 taong gulang, sa Purok Honda Bay, Barangay Santa Lourdes.

Ang dalawa ay inaresto sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Enrique C. Selda ng Municipal Circuit Trial Court (MCTC) ng Lungsod ng Puerto Princesa na may petsang August 19, 2021, sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 10654 o ang Philippine Fisheries Code, at may nakalaang piyansa na nagkakahalaga ng P36,000.

Dakong 6:20 kinagabihan ay inaresto rin si Ronnie Diaz dela Cruz, 44 taong gulang, na inireklamo dahil sa grave threat sa Purok Bliss, Brgy. Sta. Monica.

- Advertisement -

Si Dela Cruz ay dinakip ng tauhan ng City Police Station 2 (CPS 2) sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Ambrosio de Luna ng Branch 51 ng Regional Trial Court (RTC) para sa kasong paglabag sa Article 282 ng Revised Penal Code na inamyendahan ng Section 70 ng RA 10591, at may nakalaang piyansa na nagkakahalaga ng P72,000.

Previous articleLalaki arestado sa kasong attempted murder
Next articleP5.024 trillion 2022 budget submitted to Congress
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.