BROOKE’S POINT, Palawan — Tatlong accommodation establishments na ang nabigyan ng Provisional Certificate of Authority to Operate (PCAO) habang 16 naman ang kasalukuyang nasa processing pa ng Department of Tourism (DOT), ayon sa Municipal Tourism Office (MTO).

Ayon kay Brooke’s Point Municipal Tourism Officer Arlene Piramide, ang PCAO ay magpapatunay na maaari nang tumanggap ng local guests ang isang establishment sa ilalim ng General Community Quarantine status. Ang tatlong establishments dito ay kinabibilangan ng Maruyog Farm, Maruyog Ridge at Sir Brooke’s Resort.

“Tatlo pa lang sa Brooke’s Point ang nairerekomenda ng ating tanggapan na tumanggap ng mga local guest at visitors dahil sila pa lamang po ang mayroong PCAO so far, while the 16 AEs here ay ipinoproseso na rin nila lahat yan hoping sana dumating na rin ang PCAO nila para they can accept local guests at visitors na rin,” ani Piramide.

“May iba tayong mga AEs na nahihirapan to comply requirements pero they are trying to comply talaga. Alam nating mahirap mag-comply. Isa na talaga diyan ang virtual inspection ni DOT sa kanila,” dagdag niya.

Umaasa rin si Piramide na sa Enero 2021 ay mapagkakalooban na ng PCAO ang labin-anim pang mga AEs sa Brooke’s Point upang makapanumbalik na muli sa kanilang mga negosyo at makatulong upang mapagalaw muli ang industriya ng turismo sa Brooke’s Point.

“Mayroon nga po tayong nagsara dito katulad ng Sunset Lodge dahil nga sa hirap ng income at guest during pandemic,pero nakausap na po natin sila they will operate sa 2021 at pinoproseso din nila ang PCAO nila sa DOT,” sabi pa ni Piramide.

Sa kasalukuyan, may kabuuang 19 dito ang mga rehistradong accommodation establishments.

 

 

About Post Author

Previous articleAlvarez orders stringent measures to prevent entry of new COVID-19 strain
Next articleSan Vicente LGU reminds local tourists to bring health certificates before visiting
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.