Tatlong suspek sa hinalang shabu peddling, nadakip sa El Nido

Ang mga suspek na sina Alqueen Rada, Vilma Prieto, at Josefa Agosto na nadakip sa isang buy-bust sa El Nido. (Contributed photo)


Tatlong suspek sa hinalang pagbebenta ng shabu ang inaresto ng mga pulis sa Barangay Buena Suerte, El Nido sa isang buy-bust operation na ikinasa ng municipal police station (MPS).

Sa pangunguna ni Chief Insp. Thirz Starky Timbancaya, naaresto sina Alqueen Rada, Vilma Prieto, at Josefa Agosto noong madaling araw ng Biyernes.

Ayon sa report ng El Nido MPS, nakabili ng dalawang pakete ng pinaghihinalaan shabu ang kanilang asset sa mga ito at nakakumpiska pa ng karagdagang anim.

Ang dalawang babaeng suspek ay siyang sinasabing nagpapadala rin ng suplay ng shabu sa Port Barton sa bayan naman ng San Vicente.

Haharapin ng mga ito ang mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act o Republic Act 9165.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...