SAN VICENTE, Palawan — Matapos magtala ng tatlong probable cases, naglabas ng abiso ang pamunuan ng San Vicente District Hospital (SVDH) na simula sa araw ng Lunes, Mayo 3 hanggang 9, ay hindi muna ito tatanggap ng outpatient o consultation at tanging emergency cases lamang muna ang maaaring tanggapin ng ospital sa mga nabanggit na petsa kung saan ito ay isasailalim sa disinfection.

Ayon kay Dr. Peter McGerald Penullar, hepe ng SVDH, ang tatlong probable cases ay nag-positibo sa isinagawang antigen test nitong araw ng Sabado,  Mayo 1.

Ang mga ito ay isang 24 taong gulang na babae mula sa Sityo Macatumbalen, Barangay Poblacion at walang travel history, isang 23 taong gulang na lalaki mula sa Little Baguio at bumiyahe sa Roxas, at isang 28 taong babae mula sa Brgy. Alimanguan at bumiyahe sa Roxas at Puerto Princesa City.

Dagdag ni Penullar, naisalialim na rin sa RT-PCR test ang tatlo at inaantay na lamang nila ang resulta.

ā€œMay tatlo na nagpositive sa antigen testing. For confirmation na rin sila via RT PCR kasi mga walang simptomas. Nasa quarantine facility na rin sila as of now,” pahayag ni Penullar.

Mahigpit ding ipinatutupad ang minimun health protocols sa nasabing hospital lalo na ang pagsuot ng face mask at face shield sa lahat ng papasok na pasyente, bantay at mga empleyado dito. Isang bantay lamang bawat isang pasyente ang pinapayagan simula pagpasok ng pasyente hanggang sa makauwi ito.

Sa kasalukuyan, ang bayan ng San Vicente ay may isang aktibong kaso ng COVID-19 at tatlong probable cases.

About Post Author

Previous articleMabagal na internet, inireklamo ng mga residente ng Sofronio EspaƱola
Next articleApat na gumagamit ng iligal na droga, huli sa akto sa Coron
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.