- Advertisement by Google -

Tatlong kabataan na sangkot sa pagnanakaw sa isang tindahan sa Poblacion, Taytay noong July 10 ang nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos silang mahuli ng mga awtoridad sa isang manhunt operation.

Ayon sa DSWD, ang naturang mga kabataan na nasa edad na 14 at 15 ay mga “recidivist” o paulit-ulit ang mga ilegal na gawain.

“Ang isa nga sa kanila ay parang siya na ang nag se-serve as mastermind sa kanila,” ayon kay Natividad Junio, hepe ng DSWD Taytay.

Nilooban umano ng grupo ang IM’s Apparel’s kung saan ay natangay ng mga ito ang isang unit ng iPhone 6 na nagkakahalaga ng P19,000; relo na nagkakahalaga ng P3,500, at P5,000 na pera.

- Advertisement -

Dahil mga menor de edad ang mga sangkot na kabataan ay nasa kustodiya sila ng DSWD.

Maliban sa huling insidente na kinasangkutan ng grupo, suspek din umano ang mga ito sa pito pang mga reklamo na natanggap ng kapulisan.

“Pitong indibidwal na ang desidido na mag-file ng kaso, even ang mga pulis – roberry, nilolooban talaga nila ang mga bahay at mga tindahan. Kasi ang mumurang edad pa nila para ma-involve sa ganito,” ani Junio.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ng assessment ang mga social worker sa mga bata bilang bahagi ng proseso at isa rin sa requirement ng batas, bago magsampa ng kaso.

Maghaharap din ang mga magulang ng bata at ang social worker para sa kasunduan at kung ano man ang magiging hakbang ng mga magulang, dahil ayon sa DSWD ang lahat ng ninakaw ng mga bata ay kailangang sagutin o bayaran ng magulang.

“Kahit na sasampahan na sila ng kaso, ang mga magulang kailangan pa rin silang magbayad. Pero, sa isasagawa nating interview at assessment, kung makikita natin na hindi nila alam ang kanilang ginawa, hindi natin itutuloy ang kaso. Pero kapag alam o aware sila sa ginagawa nila doon natin sila sasampahan ng kaso,” paliwanag pa ni Junio

Dagdag niya, posible rin na isailalim o ipapasok sa Bahay Pag-asa ang mga bata kung saan may pagkakataon pa sila na mabago o maitama ang kanilang mga maling gawain o nakasanayan sa tulong ng mga social workers doon.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleCourt extends TEPO against Narra seawall project
Next articleProvincial Board urges municipalities, DPWH to remove road obstructions
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.