Inaresto ng mga tauhan ng City Anti-Crime Task Force (ACTF) ang tatlong lalaking naaktuhang sinisipa ang ilang basurahan at iniharang sa gitna ng kalsada sa Barangay Sta. Monica, madaling araw ng Martes, May 11.
Ang mga suspek na kapwa mga dayo sa lugar ay kinilalang sina Ryan Gabuat, 21, at Antonio Nunez, 19, na kapwa nagmula sa bayan ng Roxas, at Rogelito Sandoval na nagmula naman sa bayan ng Brooke’s Point.

Ang tatlo, ay naabutang lasing, walang suot na face shields at face masks. Sila ay dinala ng ACTF sa barangay hall ng Sta. Monica kung saan sila ngayon ay naka-kustodiya.
“As of now nasa detention pa rin natin. Nalaman natin na hindi sila mga taga-rito, hinihintay na lang natin ang action ng ACTF, dahil kung walang magpa-file ng formal complaints, ire-release natin sila,ā pahayag ni kapitan Ronaldo “Mong” Sayang ng Brgy. Sta. Monica.
Subalit bago pakawalan ang tatlo, kailangan ng mga ito na mag-execute ng affidavit na hindi na uulitin ang ginawa ng mga ito.
Bagama’t nalabag din ng tatlo ang mga bagong ordinansa ng Lungsod ng Puerto Princesa na may kaukulang multa, bilang barangay kapitan ay maaaring magpairal ito ng humanitarian consideration.
āIsa sa kino-konsidera natin ay walang mga pambayad itong mga ito, kaya nga subukan nating i-apply dito ang humanitarian consideration sa offense nila. Titingnan natin kung puwede i-apply doon basta mag-commit sila na hindi na talaga uulitin. Pero i-implement natin doon na, babanggitin natin doon ang na-violate nilang batas ng city government. I-imposed talaga natin āyun,ā dagdag ni Sayang.