Home NEWS OF THE DAY Tatlong lalaki kabilang ang 3 menor de edad, huli sa pagnanakaw sa...

Tatlong lalaki kabilang ang 3 menor de edad, huli sa pagnanakaw sa isang hotel sa Coron

1
0
Ang 22 taong gulang na suspek na si Carlo Layaog.

Tatlong lalaki kabilang ang dalawang menor de edad ang nahuli dahil sa pagnanakaw ng cable wires at ilan pang kagamitan sa hotel sa Barangay Poblacion 5 sa Coron, alas singko ng madaling araw kahapon, June 27.

Ang suspek na 22 taong gulang ay pinangalanan na si Carlo Layaog na bitbit pa ang mga cable wire ng mahuli ng pulis.

Ang dalawa pang hindi na pinangalanan na menor de edad ay sumunod din na nahuli matapos makatakas ngunit itinuro ni Layaog ang pinagtataguan, ayon kay P/Cpt. Ervin Plando, hepe ng Coron Municipal Police Station (MPS).

Ayon kay Plando, nakita ang tatlo ng isang kagawad ng Barangay 3 sa Coron na bitbit ang rolyo ng cable wires na nagkakahalaga ng P10,000. Agad itong ipinaalam sa mga nagpapatrolyang police na naging dahilan ng agarang pag-aresto kay Soñar.

“Pabalik-balik na ang mga ‘yan dito sa police station dahil sa pagnanakaw. Kinausap na din natin sila, tinulungan, binigyan ng mga damit para hindi na umulit, tapos ito nanaman,” sabi ni Plando.

Sinampahan na ng kasong pagnanakaw si Soñar, habang iti-nurn over naman sa DSWD ang dalawang kasama nito

Previous articleSupply ng tubig sa San Vicente pansamantalang mawawala
Next articleBanking on Growth
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.