Michael Anthony Lorayna Alonzo, alyas Mickey Bou, 27; Christopher Nuñez Edradan, 27; at isang 17 anyos na menor de edad na lalaki.

Tatlong lalaki ang nadakip ng operatiba ng Coron Municipal Police Station (MPS) sa isinagawang buy-bust sa Barangay 3, pasado alas dose ng hating gabi noong Sabado, Hulyo 10.

Ang tatlo na ayon sa Coron MPS ay mga newly-identified drug pusher (street level) sa bayan ay kinilalang sila Michael Anthony Lorayna Alonzo, alyas Mickey Bou, 27; Christopher Nuñez Edradan, 27; at isang 17 anyos na menor de edad na lalaki.

Maliban sa nabiling isang sachet ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P1,500, nakuha rin sa tatlo ang isang plastic na naglalaman ng 10 maliliit na sachets ng pinaghihinalaang shabu na may bigat na tinatayang 2.5 grams na nagkakahalaga ng P15,000 at P205 na pera.

Ayon kay P/Capt. Ervin Plando, hepe ng Coron MPS, nagmula pa sa Cavite ang supply ng mga suspek na posibleng nakukuha mula sa isang nakakulong sa ngayon.

- Advertisement -

“Galing Cavite ang mga items nila na pinapadala sa mga courier,” pahayag ni Plando.

Dagdag niya, marijuana at shabu ang hawak ng mga suspek na walang pinipiling pagbentahan.

“Karamihan sa mga parokyano nila kahit mga menor de edad, binebentahan nila ng marijuana at Shabu,” Aniya.

Habang sinusulat ang balitang ito ay ibinabiyahe na ng Coron MPS ang mga suspek patungo sa Lungsod ng Puerto Princesa para isailalim sa drug test at sampahan ng kaukulang kaso.

Previous article13 katao nasabat ng awtoridad habang nagsasagawa ng iligal na pangingisda sa karagatan ng Cuyo
Next articleFarming machineries ipinagkaloob sa mga magsasaka sa Busuanga
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.