(WARNING: This story has potentially upsetting content. Readers should exercise caution.)

Arestado ng mga awtoridad ang tatlong kalalakihan habang nakatambay sa harapan ng Wilcon Depot sa Golden Valley, Barangay Sicsican, bandang 1:52 kahapon, December 27, dahil sa may dalang baril ang isa sa kanila.

Nasamsam mula sa isa sa kanila ang isang kalibre .22 na may kargang 12 bala.

Nakilala ang mga kalalakihan na sina John Paul Tabolod Padul, 23 taong gulang, Ronald Bandahala Cursod, 26 taong gulang , at David Jones Agustin Arguelles, 25 taong gulang.

Ayon sa inisyal na impormasyon mula sa City PNP, nadaanan ng isang pulis sa Barangay Sta. Lucia ang tatlo sakay ng motorsiklo kung saan napansin nito ang dalang pouch ni Padul.

Naging kahinahinala din ang kilos ng tatlo kaya sinubukan silang balikan ng pulis, ngunit bago pa ito abutan ay umusad na ang motorsiklo patungo sa direksyon ng bayan.

Dahil dito agad na nagkasa ng checkpoint ang Puerto Princesa Police Station 2, ngunit nakalampas ang mga suspek. Naaabutan din sila at nakorner sa harap ng Wilcon Depot matapos na magsagawa ng hot pursuit operation.

Hindi pa matukoy ng pulisya ang pakay ng tatlo na walang maipakitang kahit anong dokumento  kaugnay sa bitbit nilang baril.

Kakaharap sila sa kasong paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearms.

About Post Author

Previous articleEraserheads and nostalgia of UP college life
Next articleSunlight Hotel initiates gift-giving to critically ill patients of Coop, Ace hospitals
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.