Makikita sa larawan ang mga narekober na patay at buhay na manok matapos ang operasyon na ikina ng Quezon MPS noong Marso 6. | Photo by Quezon MPS

Nadakip ng mga operatiba ng Quezon Municipal Police Station (MPS) ang tatlong lalaki habang nakatakas naman ang iba sa isinagawang operasyon laban sa iligal na sabong sa Purok Lupang Pangako, Barangay Alfonso XIII sa bayan ng Quezon noong Sabado (Marso 6).

Ang mga nadakip na suspek ay kinilalang sina Jolito A. Alvarez, 48, Armando Pacheco, 55, at Augusto Atillano, 67, mga magsasaka at residente ng nabanggit na barangay.

Sa ulat ng Quezon MPS, dakong 11:00 ng umaga noong Sabado nang makatanggap ng text ang himpilan kaugnay sa isinasagawang sabong sa nabanggit na lugar.

Agad na tinungo ng mga pulis sa pamununo ng hepe ng Quezon MPS na si P/Cpt. Bernard dela Rosa ang lugar at naabutan ang tatlo at ilan pang suspek na nakatakas sa aktong pagsasabong.

Narekober mula sa lugar ang anim na buhay na manok pansabong, apat na iba pang patay na manok, dalawang tari, perang nagkakahalaga ng P310.

Ang mga suspek ay nasa kustodiya na ngayon ng Quezon MPS at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602.

Previous articleDOT supports Coron’s sustainable tourism development to bounce back
Next articlePamahalaang lokal ng Rizal naglaan ng P3 milyon na pondo para sa district hospital
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.