Sumulpot ang Toyota Avanza na minamaneho ni Vifer Sigua dela Cruz, 45 taong gulang, mula sa kabilang bahagi ng kalsada at nabangga ang motorsiklo.

Tatlong indibidwal ang nasaktan matapos mabangga ng isang kotse ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa Barangay Antipuluan sa bayan ng Narra, dakong 3:30 ng hapon, araw ng Lunes, October 25.

Ang driver ng Honda TMX na motorsiklo ay kinilalang si Roel Jumaway Jerusalem, 21 taong gulang, habang hindi naman napangalanan ang dalawang angkas nito sa report mula sa Palawan Police Provincial Office (PPO).

Sa ulat ng Narra Municipal Police Station (MPS), binabaybay ng motorsiklo ang kahabaan ng national highway patungo sa direksyon ng sur nang biglang sumulpot ang Toyota Avanza na minamaneho ni Vifer Sigua dela Cruz, 45 taong gulang, mula sa kabilang bahagi ng kalsada at nabangga ang motorsiklo.

Ang tatlong sakay ng motorsiklo ay nagtamo ng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na dinala naman ng isang concerned citizen sa Narra Municipal Hospital (NMH) upang malapatan ng lunas, samantalang ang driver ng Toyota ay hindi nasaktan.

- Advertisement -

Ang mga sasakyang involved naman ay nagkaroon ng bahagyang sira at dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Previous articleKatawan ng lalaki natagpuan sa baybayin ng Taytay
Next articleTangke ng tubig bumagsak sa health center sa Sofronio Española
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.