Tatlong indibidwal ang isinugod sa ospital pasado alas onse kagabi, November 28, at dalawa sa kanila ang kritikal matapos magkabanggaan ang kanilang mga motorsiklo sa Rizal Avenue sa Barangay Bancao-Bancao.

Habang isinusulat ang balitang ito ay inaalam pa ng pulisya ang mga pagkakakilanlan ng mga biktima, ayon kay P/Lt. Allen Palacio.

Ayon sa kanya mula sa Junction 1 ang isang motorsiklo sakay ang 3 lalaki nang makabanggaan nila ang isang kasalubong din na motorsiklo na may 2 sakay.

“Ang isang lalaki ang kumain ng linya. Tatlo ang nasa hospital, dalawa medyo kritikal ang tama, ang isa hindi na nagpadala sa hospital dahil maayos naman siya,” pahayag ni Palacio.

Dalawa sa angkas ng isang motorsiklo ang matinding napinsala habang ligtas naman ang driver nito. Ang driver naman nang kasalubong na motorsiklo, kasamang isinugod sa ospital dahil sa matindi rin na pinsala.

Aniya, ito ay isa nanamang aksidente na ang dahilan ay nakainom ang mga biktima.

“Pawang mga nakainom–amoy alak initially, kaya panawagan namin iwan ang pagda-drive kapag naka inom para iwas disgrasya sa kalsada,” dagdag ni Palacio.

About Post Author

Previous articleTech experts warn netizens vs the “New Friendster”
Next articleGovernment agencies to discuss power woes in Town Hall meeting
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.