Tatlo ang inaresto dahil sa iligal na droga ng pasukin ng mga pulis ang isang bahay sa Sitio Bukid-Bukid, Barangay Rio Tuba sa Bataraza, noong unang araw ng Disyembre.
Kinilala ang dalawa na una ng nakulong sa kaparehong kaso na sila Rowena Daunan Beligan, 31, at Mapor Salibara Hereral, 27. Ang pangatlo ay ang 53 anyos na si Sulayman Musablim Abdulkadir.
Ayon sa acting chief of police ng Bataraza Municipal Police Station (MPS) na si P/Maj. Dhenies Acosta, si Rowena ay dati ng nakulong dahil din sa driga l, ngunit nakalaya matapos na aminin ng asawa nito ang naunang pagkasangkot.
Ayon kay Acosta, ito lang mga nakalipas na araw ay may ilang mga impormasyon na ang nakarating sa kanila na muli itong nagtutulak ng shabu.
Kinokontak umani nito ang mga dating surrenderee para sa iligal na gawain.
“Ang subject lang namin dito ay ang babae, pagdating namin sa bahay niya, naabutan namin itong dalawa. Nakulong na ito dati sa drugs din, pero na dismiss ang kaso niya dahil inamin ng asawa niya ang kaso, at ngayon na-convict na,” pahayag ni Acosta.
“Conspiracy yan silang tatlo, si Mapor, Probationary din ito sa drugs na nahuli naman dati sa Rizal, Palawan,” dagdag pa nito.
Bagaman at inaalam pa ng Bataraza MPS ang kaugnayan ng 53 anyos na si Abdulkadir sa dalawa, sinabi ni Acosta na ito daw ang nag-utos kay Rowena na kunin ang droga na iniabot sa undercover agent ng mga pulis nang isagawa ang buy-bust operation.
“Inaalam pa natin kung itong si Abdulkadir ang nagdadala ng items kay Rowena, pero ang information natin kasi, si Rowena talaga ang nagdadala ng Items galling pang Marabon,” dagdag nito.
Na-recover mula sa lugar ang tatlong sachet ng pinaghihinalaang shabu, buy-bust money, mga cellphone, bag at wallet kung saan nakasilid ang mga droga at perang nagkakahalaga ng mahigit P7,000, at iba pang drug paraphernalia.
Sinampahan ang tatlo ng paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act. 9165.