Si PMSg. Lorelyn Basa habang ipinapasa ang mga validation folders ng tatlong barangay sa bayan ng Narra sa opisina ng PDEA Palawan (Larawan mula sa PDEA-Palawan)

Tatlong barangay na lamang sa munisipyo ng Narra ang kasalukuyang ipinoproseso ng Municipal Anti Drug Abuse Council (MADAC) ang validation para sa Barangay Drug Clearing Program at maideklarang drugs-cleared bago magtapos ang taong 2021.

Ayon kay P/MSg. Lorelyn Basa ng Narra Municipal Police Station (MPS) at kasalukuyang miyembro ng MADAC Secretariat, naipasa na ang validation and assessment papers sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA ) noong Setyembre 8 para mai-nominate ang mga barangay ng Princess Urduja, Calategas, at Aramaywan bilang drugs-cleared barangays habang ang Antipuluan, Poblacion, at Panacan 2 ay nasa proseso pa ng validation.

Dagdag ni Basa, ibig sabihin nito ay tatlo na lamang sa 23 barangay ng bayan ang hindi pa drugs-cleared.

“Inaasikaso na rin natin ang nomination sa remaining three barangays na ito at posibleng before magtapos ang 2021 municipal drugs-cleared na tayo,” paliwanag niya.

- Advertisement -

Aniya, maaaring sa buwan ng Nobyembre ngayong taon ay maipoproseso ang validation para sa tatlong barangay at depende rin sa magiging status ng mga drug surrenderees at sa partisipasyon ng mga ito.

“Baka next validation na natin sila mapa-cleared if okay ang status ng mga drug surenderees natin. Hindi maging drugs-cleared ang isang barangay  kung hindi nagpaparticipate  ang mga drug surenderees at ang barangay mismo,” paliwanag niya.

Batay sa talaan ng MADAC, ang Antipuluan, Poblacion, at Panacan 2 ang mayroong may mataas na drug surrenderees.

Umaasa rin ang MADAC na bago sumapit ang taong 2022 ay wala ng barangay sa munisipyo na maituturing na may banta pa nang gumagamit at nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Previous articlePharmally officials, Michael Yang caught lying before Blue Ribbon
Next articleCapitol seeks to recruit additional medical professionals for upcoming hospitals
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.