Inaasahan na sa unang linggo ng Oktubre ay ia-activate na ang tatlong bagong police stations sa lungsod ng Puerto Princesa.

Ito ang naging pahayag ni Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) director P/Col. Roberto Bucad sa kanilang regular na flag ceremony kahapon ng umaga, August 1.

“Kapag natuloy ang pagbibigay ng regional office ng 100 personnel, mga October 5 o 6, that will be the activation of the three new police stations,” pahayag ni Bucad.

Ang karagdagang police station ay ilalagay sa Brgy. Luzviminda na siyang magiging Police Station 3, Brgy. Macarascas na magiging Police Station 4, at Brgy. San Rafael na magiging Police Station 5.

Masasakupan ng Police Station 3 ang mga barangay ng Sta. Lucia, Luzviminda, Mangingisda, Inagawan, Inagawan Sub, Kamuning, Montible, Napsan, Bagong Bayan at Simpucan.

Ang mga barangay ng Sta. Cruz, Salvacion, Bahile, Macarascas, Buenavista, Tagabinet, Cabayugan, Marufinas, at New Pangangan ang masasakupan ng Police Station 4, habang masasakupan ng Police Station 5 ang mga barangay ng Manalo, Maryugon, Lucbuan, Maoyon, Babuyan, San Rafael, Tanabag, Concepcion, Binduyan, at Langogan.

Sa pahayag ng tagapagsalita ng PPCPO na si P/Cpt. Victoria Carmen C. Iquin, sinabi niya na ang mga karagdagang police stations ay itatayo upang masigurong makapagbibigay ng maayos na serbisyo sa mga residente na nasa mga malalayong barangay ng Puerto Princesa City.

“The proposed activation of additional three police stations will provide more effective police services, safer, and more peaceful and progressive communities. Dahil sa geographical location ng ating mga barangays at patuloy na pagdami ng populasyon at development ng syudad, at bilang tourist destination, napapanahon na magdagdag ng additional 3 police stations upang mabilis na matugunan ang usaping pang siguridad at pagresolba o imbestigasyon sa krimen,” ayon kay Iquin.

Sa kasalukuyan ay may dalawang police stations ang PPCPO — Police Station 1 sa mismong bayan at Police Station 2 naman sa Brgy. Irawan.

Previous article102-year-old Maryugon resident gets birth certificate for centenarian benefits
Next articleBLACKPINK teases New music, album and world tour via ‘Born Pink’ video
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.