Home POLITICS & GOVERNANCE Municipality Tatlong bagong kaso ng COVID-19 naitala sa El Nido

Tatlong bagong kaso ng COVID-19 naitala sa El Nido

3
0

Nadagdagan ng bagong kaso ng COVID-19 ang El Nido, araw ng Huwebes (Abril 29), matapos mag-positibo sa RT-PCR test ang tatlong indibidwal na nauna nang naitalang probable cases ng bayan.

Ayon kay Dr. Marian Relucio, municipal health officer ng El Nido, ang dalawa sa tatlo ay galing sa Puerto Princesa at ang isa ay nahawa o close contact.

“‘Yung dalawa ay workers ng isang private farm, galing sila sa Puerto Princesa at ‘yung isa naman ay close contact ng isa (worker). Na RT PCR  sila the other day at kanina (Abril 29) lang kami nabigyan ng copy ng confirmatory test results nila,” pahayag ni Relucio

Ang mga bagong kaso ay kinabibilangan ng isang 30 taong gulang na lalaking bumiyahe mula sa Barangay San Jose sa Lungsod ng Puerto Princesa at dumating sa Brgy. Pasadeña noong Abril 22, siya ay nakitaan ng sintomas; lalaking 38 taong gulang na bumiyahe galing sa Brgy. San Manuel at nakailang ulit pa umanong pabalik-balik sa lungsod dahil siya ay asymptomatic; at 20 taong gulang na lalaking nakatira sa Brgy. Buena Suerte kung saan ito nagtatrabaho at naging close contact ng isa sa dalawa.

Sa kasalukuyan ay may walong aktibong kaso ng COVID-19 sa nasabing bayan.

Previous articleMga tanod, opisyales ng New Panggangan, sumailalim sa martial arts training
Next articleDalawang wanted arestado sa Quezon at El Nido
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.