SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Tatlong bagong kaso ng COVID-19 local transmission case sa bayan na ito ang naitala araw ng Lunes, May 10.

Ang mga bagong kaso ay kinabibilangan ng dalawang babae na edad 34 at 57 taong gulang at isang lalaking 21 taong gulang na nagmula sa Barangay Pulot Center.

Sa panayam ng Palawan News kay municipal health officer Dr. Rhodora Tingson, ang isa dito ay kumpirmado ng RT-PCR mula sa 44 positive antigen results at ang dalawa naman ay unrelated sa mga naunang local cases na naitala.

“Sa 44 antigen positive natin, isa dito ay nag-positive sa RT-PCR test. Nagpakita ng sintomas kaya isinailalim sa swab test, but the other two are unrelated cases,” pahayag ni Tingson.

“Ang pina RT-PCR test lang naman natin is yong mga nagpapakita ng sintomas ng COVID-19 mula sa 44 na nag-positive sa antigen. Ang 18 sa kanila ay nasa quarantine facility natin, the rest strict home quarantine na,” dagdag niya.

Samantala, nakapagtala naman ang Municipal Inter-Agency Task Force on COVID-19 (MIATF) ng dalawang bagong recovered patient nitong araw din ng Lunes mula sa 14 active local cases.

Sa kasalukuyan ay mayroong 12 active cases ang bayan.

Previous articleEl Nido, may 15 active cases na
Next articleTatlong lalaking nagkalat ng basura, arestado sa Sta. Monica
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.