ng proyektong manukan na ibinigay ng Pamahalaang Lokal ng San Vicente, Palawan sa tatlong asosasyon sa Bgy. Caruray kamakailan. | Larawan mula sa LGU-San Vicente

Nabigyan ng pagkakakitaan o hanapbuhay ng Pamahalaang Lokal ng San Vicente, Palawan ang tatlong asosasyon sa Barangay Caruray kamakailan.

Ang tatlong asosasyon na naging benepisyaryo ng Chicken Laying Production Program ay ang Rural Improvement Club sa Sitio Gawid at ang Samahan ng mga Katutubong Tagbanua sa Caruray – Panamin at Candamia Chapter.

Tinanggap ng mga ito ang mga manok, feeds, bitamina at iba pang kinakailangang panimula sa pagnenegosyo at produksyon ng itlog mula sa Livelihood Team ng Tanggapan ng Punong Bayan.

Ang programang ito ay bahagi ng mga interbensyong isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng San Vicente bunsod ng pandemya sa pagtataguyod ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Municipal Agriculture Office (MAO).

Nasa 230 bilang ng mga manok ang naipagkaloob sa naturang mga asosasyon. Inaasahan na sa una hanggang ikalawang linggo ng Pebrero ay magiging produktibo na ang mga ito.

Sa isinagawang turn-over ceremony noong Enero 16 sa naturang barangay, nagpasalamat ang mga naging benepisyaryo ng programa dahil sa tulong-pangkabuhayan na ibinigay sa kanila.

Umaabot sa P190,000 ang halaga ng nasabing programa kasama na dito ang ginamit na mga materyales tulad ng pawid, pako, screen, at iba pang kagamitan upang mabuo ang kanilang poultry.

Bago nabigyan ng tulong ang tatlong asosasyon ay sumailalim muna sa oryentasyon ang mga miyembro nito. Nagsagawa rin ng Lakbay-Aral ang mga benepisyaryo upang madagdagan ang kanilang kaalaman sa pamamahala ng nasabing proyekto.

Magsasagawa \ng regular na monitoring sa mga ito ang kawani ng Municipal Agriculture Office upang masiguro ang maayos na pagpapatakbo at pamamahala ng mga ito sa kanilang proyekto. (PIA-MIMAROPA, Palawan)

About Post Author

Previous articleBarangay Rio Tuba, nais palitan ang kasalukuyang supplier ng tubig
Next articleSamahan ng mga dating rebelde, inilunsad sa Palawan