- Advertisement by Google -

Sugatan ang tatlong sakay ng isang pampasaherong van at Isuzu Court van na pagmamay-ari ng Bureau of Corrections (BUCOR) matapos magkabanggaan sa South National Highway sa bandang crossing papuntang Brgy. Montible, alas 5:45 kahapon, July 27.

Kinilala ang mga driver ng pampaseherong van na Toyota Hi-ace na si Jose Glory Mar Vagos Talingdan, 52, habang ang driver naman ng Isuzu Court van at empleyado ng Iwahig Prison ang Penal Farm (IPPF) ay si Van Dave Gabayeron Paduga, 35.

Lumalabas sa imbestigasyon ng City PNP Station 2, na tinatahak ng sasakyan ng BUCOR ang kahabaan ng South National Highway galing Brgy. Montible, habang patungo ng Brgy. Inagawan naman ang pampasaherong van. Ngunit pagdating sa pinangyahiran ng insidente ay agad na pumihit ang sasakyan ng BUCOR sa outer lane papuntang city proper.

Sinubukan itong iwasan ng van, kaya kinabig nito pakaliwa ang manibela, kung saan doon nangyari ang banggaan.

- Advertisement -

Dahil sa nangyari, parehong nagtamo ng pinsala ang dalawang sasakyan, habang dinala naman ng mga tauhan ng City Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at Philippine Coast Guard sa pagamutan ang mga pasahero para malapatan ng agarang medikasyon.

Agad namang idinulog sa Brgy.Montible ang nasabing kaso para sa Certificate of Action sa pagsasampa ng kaukulang kaso o posibleng settlement ng parehong kampo.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleApat huli, dalawa nakatakas sa operasyon laban sa illegal fishing sa Roxas
Next articleSiyam na indibidwal huli sa ilegal na sugal sa bayan ng Araceli