Sa larawan na ito na ibinahagi ni Aethan Alleho ay makikita ang mag-ina na sina Jingjing Dolmisi, 40, at anak nitong si Donajean Alcober, 23, na nakahandusay sa kalsada matapos ang aksidente sa national highway sa Sitio Quinorong, Barangay Salogon, Brooke's Point.

Nagtamo ng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tatlong indibidwal sa naganap na aksidente sa pagitan ng isang Toyota Hilux pickup truck at isang motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa Sitio Quinorong, Barangay Salogon, Brooke’s Point, dakong 3:00 ng hapon, araw ng Martes Setyembre 14.

Kinilala ang mga biktima na sina Jim Dolmici, 44, driver ng motorsiklo, asawa nito na si Jingjing Dolmisi, 40, at anak nilang si Donajean Alcober, 23.

Ang driver naman ng Hilux ay kinilalang si Jonly Lihaylihay, 35 taong gulang, at residente ng Brgy. Rio Tuba, Bataraza.

Sa ulat ng Brooke’s Point Municipal Police Station (MPS), parehong tinatahak ng pickup at motorsiklo ang kahabaan ng national highway patungo sa direksyon ng bayan ng Bataraza nang mangyari ang aksidente.

- Advertisement -
Ibang anggulo na kuha sa naganap na aksidente sa national highway sa Sitio Quinorong, Barangay Salogon, Brooke’s Point. (Larawan mula kay Aethan Alleho)

Dagdag ng pulis, nanggaling sa Brgy. Pangobilian ang tatlo at tutungo lamang sa Salogon para ihatid ang anak na si Donajean, dahil wala umanong susundo para umuwi.

Maliban sa mga pinsala sa katawan, nagtamo ng matinding tama sa paa ang mag-ina, habang may matinding tama rin sa balikat ang tatay na posibleng itakbo sa pagamutan sa Lungsod ng Puerto Princesa para sa mas maayos na gamutan.

Samantala, ayon sa pamilya ng mga biktima, sa ngayon ay wala pa silang desisyon kung ano ang magiging hakbang kaugnay sa nangyari.

Nagbigay naman ng kasiguraduhan si Lihaylihay na tutulong sa gastusin para sa pagpapagamot ng tatlo.

Previous articleJapan embassy confirms receipt of terror attack warning in PH, 5 others
Next articlePalawan prov’l board supports corn industry roadmap
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.