- Advertisement by Google -

Parehong nagtamo ng gasgas at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang driver at isang angkas matapos magkabanggaan ang kanilang motorsiklo sa kalsada sa Barangay 3 sa bayan ng Roxas kagabi, Nobyembre 28.

Kinilala ang mga ito sa ulat ng Police Provincial Office (PPO) ngayong umaga, Nobyembre 29, na sina Jesus Vidal Miraflores, 42, driver ng Yamaha Mio 125 motorcycle, at si Diego Bargoyo Hesita, 19, driver ng Honda Click 125i motorcycle.

Sila ay parehong residente ng Brgy. 3 sa Roxas, ayon sa PPO.

Ang angkas ni Hesita ay hindi na pinangalanan pa sa ulat ng PPO, ngunit maging ito ay nagtamo rin ng injuries.

- Advertisement -

Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, bago naganap ang aksidente ay mabilis umano ang takbo ni Hesita mula sa Brgy. 1 patungo sa Brgy. 3 sa nasabing munisipyo. Pagdating sa lugar ng pinangyarihan ng aksidente ay nakabanggaan nito ang motorsiklo na minamaneho ni Miraflores.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleLPA namataan sa loob ng ITCZ, posibleng maging bagyo
Next articleForest technician at volunteer ng DENR, inaresto ng Taytay MPS dahil sa pagdadala ng baril
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.