Makikita sa larawan ang van na nakabanggaan ng motorsiklo na may tatlong sakay na kritikal sa ospital.

Kritikal ang lagay ng tatlong biktima sa nangyaring banggaan sa pagitan ng motorsiklo at isang van sa Brgy. Macarascas pasado alas singko ng hapon, December 18.

Patungong Brgy. Salvacion mula sa Brgy. Cabayugan ang mga biktimang nakilalang sina Reymark Rodrigo, 23 taong gulang, at driver ng motor, at ang mga angkas nitong sina Dianne Kelan, 19 taong gulang, at isang 15 taong gulang na batang babae nang sila ay maaksidente.

Ayon sa ilang saksi, nag-overtake diumano ang motorsiklo sa sinusundan nitong van sa may kurbadang bahagi ng kalsada, kung saan biglang nakasalubong nito ang nakabanggaang van.

Dahil sa lakas ng impact ng banggaan, tumilapon ang tatlo na agad namang isinugod sa pagamutan. Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay wala pang pahayag ang pulisya sa kung ano na ang kanilang lagay sa ospital.

Kasalukuyang nasa kustodiya naman ng pulisya ang driver ng van.


About Post Author

Previous articlePreparations begin for Chinese New Year celebration in January 2023
Next articleResupply mission to Ayungin “allowed but warned” by Chinese Coast Guard not to bring construction materials