Ang mga nahuli sa iligal na tupada sa Barangay Luzviminda noong Oktubre 31. (Photo from City Police Station 2)

Arestado ang tatlong lalaki matapos maaktuhan sila na iligal na nagtutupada sa Purok Zigzag I, Barangay Luzviminda dito sa Puerto Princesa, bandang 2:56 nang hapon noong araw ng Linggo, October 31.

Ang mga ito ay kinilala ng City Police Station 2 na sina Paterno Bundal Badenas, 44; Jurly Fernandez Canar, 39; at Eduardo Enanod Malubay, 51, pawang mga residente ng Barangay Sta. Lucia.

Ayon sa report ng City Police Station 2, pagdating ng mga operatiba sa lugar, agad na namataan ang mga suspek sa aktwal na partisipasyon sa iligal na sabong o tupada, kaya agad na dinakip ang mga ito.

Nakuha sa lugar ang pat na patay na panabong na manok na may nakakabit pang mga tari at P1,600 pesos na pera na ginamit ng mga suspek.

- Advertisement -

Paglabag sa Presidential Decree 1602 ang kakaharapin ng tatlo na habang isinusulat ang balita na ito ay sinasabing nananatili sa kustodiya ng City Police Station 2.

Previous articleCOMELEC sets November 8 deadline to correct names for official ballot
Next articleLPA to enter PAR, but not likely to become a storm
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.