[Kaliwa] 54 taong gulang na tricycle driver at dating drug surrenderee na si Antonio Parreñas Tome na nahuli sa bayan ng Roxas at [Kanan] Ang magkasintahang sina Adam Asuncion Jacob at Trexxie Manglicmot na nahuli sa bayan ng Brooke's Point.

Tatlong indibidwal ang inaresto ng awtoridad sa magkahiwalay na operasyon laban sa droga na ikinasa sa mga bayan ng Roxas at Brooke’s Point noong araw ng Lunes, Hulyo 5.

Sa ulat ng Palawan Police Provincial Office (PPPO) na ibinahagi ng tagapagsalita nito na si P/Maj. Ric Ramos ay sinasabi na na unang nahuli sa Purok Umalad, Barangay 4 sa Roxas ang 54 taong gulang na tricycle driver at dating drug surrenderee na si Antonio Parreñas Tome, alyas “Itlog”, matapos na mabilhan ito ng limang sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Ayon sa ulat, nakumpiskahan ito nang dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P3,000, at nang kapain ang suot ay nakuhanan pa ng tatlo pang karagdagan na sachet ng sinasabing shabu.

Sa panayam ng Palawan News kay P/Maj. Erwin Carandang, hepe ng Roxas Municipal Police Station (MPS), sinabi nito na si alyas Itlog ay dati nang sumuko at sumailalim sa ilang programa ng gobyerno.

- Advertisement -

“User lang ito dati. wala din kasing magandang trabaho ang mga ito dagdag pa sa hirap ng buhay ngayon. Akala ng maraming sumuko na noong kasagsagan programa ay hindi na natin sila mino-monitor,” ayon kay Carandang.

Sinabi pa ng hepe na sa ngayon, marami pa ang tinatrabaho nilang dating sumuko na bumalik din sa pagtutulak ng shabu.

Bandang alas 4:45 din ng nasabing araw ay naaresto naman ang magkasintahan sa Sityo Aluluwang, Brgy. Pangobilian, Brooke’s Point na kinilalang sina Adam Asuncion Jacob, alyas “Adam Kirat”, at kasintahan nito na si Trexxie Manglicmot, kapwa residente ng Rawland Subdivision, Poblacion District 2, Brooke’s Point.

Nabili sa dalawa ang isang sachet ng shabu kapalit ng P500 na kalaunan ay nakuha din ng mga pulis. Kabilang din sa nakumpiska sa kanila ang tatlong sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Ang nasabing mag asawa, ayon sa hepe ng Brooke’s Point MPS na si P/Lt. Mark Sigue, ay matagal ng sangkit sa droga.

“Yung lalaki ay nasa top priority list namin (PNP), at ang asawa naman niya ay mga nasa isang taon pa lang. Noong nagsama na sila,” pahayag niya.

Ang parehong operasyon ay isinagawa ng mga MPS sa pakikipagtulungan sa Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) Southern Palawan, PDEU ng PPPO, PIU-Palawan PPO, at 2nd PPMFC.

Previous articleDalawang mangingisda inaresto dahil sa paggamit ng compressor
Next articlePrivate contractor GSMAXX turns tables on city engineers over project evaluation report
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.