Arestado ng mga awtoridad ang tatlong lalaki sa ilegal na tupada kahapon, August 21, sa Purok Pag-asa, Barangay IV sa bayan ng Roxas, northern Palawan.

Base sa report ng Roxas Municipal Police Station (MPS), isinagawa ang nasabing operasyon matapos ilang beses silang makatanggap ng report kaugnay sa ilegal na tupada sa lugar.

Nasamsam kina Rudy Hermoso, 30 taong gulang, Juhn Carceler, 47 taong gulang, at Raymundo Montinol, 67 taong gulang, ang P950, anim na panabong na manok, tatlong patay na manok, at mga cockfighting paraphernalia.

Nahaharap naman ngayon sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602, o Illegal Gambling Law, ang tatlo.


ADVERTISEMENT


Maging updated sa mga pabatid, anunsiyo at mga paalala mula sa PALECO!

Direkta ninyong matatanggap sa pamamagitan ng text message ang mga mensaheng nais ipaabot ng kooperatiba.

KAYA INAANYAYAHAN ANG LAHAT NG MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO) NG PALECO NA MAG-ENROL NA SA TEXT BLAST

Pindutin lamang ang link na nasa ibaba (Text Blast Enrolment) at sagutan ang ilang detalye na hinihingi.

https://forms.gle/MuB5HMgikQrmL9DZ8

About Post Author

Previous articleBLACKPINK breaks records with the release of “Pink Venom”
Next article2nd PPMFC at iba pa, nagsagawa ng outreach program sa San Vicente
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.