(Larawan mula sa Puerto Princesa city Police office)

Isang tatay na wanted ang inaresto ng awtoridad sa Barangay Model, Puerto Princesa City, bandang alas 11 kahapon ng umaga, Marso 22.

Kinilala ang lalaki na si Aldrin Tesorio Orehuela, 42, na may kasong paglabag sa Section 5 (I) ng Republic Act 9262, o ang Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

Ang pag-aresto kay Orehuela ay sa bisa ng warrant na ibinaba ni Judge Arlene Bayuga Guillen ng Branch 13 FC, 4th Judicial Region, Puerto Princesa City, Palawan na may petsang Marso 16, 2022.

Aabot sa P72,000 ang nakalaang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek na sa ngayon ay nasa kustodiya ng Police Station 1.

- Advertisement -

Previous articleCity ENRO weeklong environmental awareness campaign features ‘Ginto sa Dagta’
Next articleDOT meets with Japanese tourism execs to boost arrivals
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.