Sa darating na buwan ng Disyembre ay dalawang linggong ipagdiriwang ng bayan ng Busuanga ang 9th Tarahomonan Festival nito na sasalamin sa pagkakaisa ng mga mamamayan sa gitna pa rin ng pandemya, kahalagahan ng kultura, at kabuhayan ng mga mamamayan.

Ayon sa municipal tourism officer ng Busuanga na si Allan Davatos, ipagdiriwang 9th Tarahomonan Festival sa December 4-16, ngayong taon. Ang Tarahomonan ay isang salitang Calamianes na nangangahulugan ng pagkakaisa o pagtutulungan.

Isasagawa ito sa ilalim ng tema na: “Sama-samang pagalalakbay nang may pasasalamat at pagpupuri tungo sa patuloy na pagbabago at pagsulong ng bayan ng Busuanga.”

Bilang bahagi ng aktibidad, isang opening parade na iikot sa buong Barangay Salvacion ang isasagawa sa December 4 na siyang lalahukan ng 14 na mga barangay nito, mga kawani ng LGU, mga opisyal ng bayan sa pangunguna ni Mayor Elizabeth Cervantes at Vice mayor Elvin Edonga, at mga partisipante sa gabi-gabing mga palabas, hanggang sa pagtatapos nito, habang dakong alas tres ng hapon ang Paantiguan sa Dalan at sa gabi naman ang mismong LGU Night.

“Ang 2020 at 2021 Tarahomonan natin ay naging Tourism Initiative Towards Local Economic Recovery during Pandemic yon, strict protocol sa celebration at walang maraming activities na inilatag,” paliwanag niya.

Narito pa ang mga naka schedule na mga palabas: Dec.5-IPs Night, Dec. 6-Kababaihan Night, Dec. 7-VHW Night, 8-WPU Night, Dec. 9-DepEd Night, Dec. 10-The Voice of Busuanga, Dec.11-Liga ng mga Barangay Night, Dec. 12-Uniformed Personnel Night, Dec. 13-Tourism Night, Dec. 14-Mutya ng Busuanga, Dec. 15-Parish Night, at Dec. 16-Awards Night.

Ayon pa kay Davatos, aasahan ng kanilang mga kababayan ang matiwasay na pagdiriwang sa loob ng dalawang linggo sa tulong na rin ng Busuanga Municipal Police Station (BMPS) sa gabi-gabing mga palabas nito.

Aniya, naiiba ang pagdiriwang sa ngayon dahil mas maraming aktibidad ang kanilang nailatag dahil na rin sa kaluwagan ng galaw ng tao sa gitna ng COVID-19 pandemic.

About Post Author

Previous articleLalaking nakatayo sa harapan ng isang establisyemento, binaril sa bayan ng Cuyo
Next articlePalawan visual artists relive, revive glory days with “Tuloy ang Kwento” art exhibit
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.