(Larawan mula kay Jariel Espinosa)

Isang tangke ng tubig ang bumagsak habang iniaangat ng isang crane para ilagay sa patungan nito sa Barangay Isumbo, bayan ng Sofronio Española, dakong alas tres ng hapon noong araw ng Linggo, October 24.

Ayon kay Gabriel Espinosa, isang residente na  nakasaksi sa pangyayari, iniaangat ng crane ang tangke patungo sa posteng patungan nito nang aksidenteng bumaon ang crane sa puwesto nito dahil sa malambot na lupa, at naging dahilan kaya nawalan ito ng balanse at natumba.

Dahil dito, bumagsak ang tangke sa katabing barangay health center at nasira ang bahagi ng bubong nito.

“Sobrang lambot ng lupa that time, bumaon ang crane at bumigay kaya bumagsak ang tangke na iniaangat nito,” pahayag ni Espinosa.

- Advertisement -

“Mabuti na lang walang duty (sa health center.) Tinamaan ng tangke ang bubong at nasira,” dagdag niya.

Wala namang nasaktan sa aksidente, maliban sa operator ng crane na bahagyang naipit ang hinlalaki matapos na matumba ito.

Samantala, ngayong araw ng Martes ay naialis ang crane sa lugar.  Wala  pa ring binanggit na araw kung kailan muling ilalagay ang tangke dahil na rin sa masamang panahon na nararanasan ngayon sa Sofronio Española.

Previous articleTatlong indibidwal sugatan sa aksidente sa Narra
Next articleMicrotel Philippines reports 100% overall vaccination rate across 14 properties
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.