Jan 23, 2021

Talent Academy, programa ng SK sa Brooke’s Point, Palawan

Si SK Federation President Naingue, ang isa sa mga naging panauhin sa programang Laging Handa: Network Briefing ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar.

Napamangha ni Brooke's Point SK Federation President Jimart M. Naingue si PCOO Sec. Martin Andanar sa programa nitong 'talent academy'. Si Naingue ang isa sa naging panauhin sa programang Laging Handa: Network Briefing kaninang umaga. (Screenshot mula sa Network Briefing Program)

Inilahad ni Sangguniang Kabataan Federation President Jimart M. Naingue ang mga aktibidad ng kanyang samahan sa bayan ng Brooke’s Point, Palawan Network Briefing Program kaninang umaga.

Si SK Federation President Naingue, ang isa sa mga naging panauhin sa programang Laging Handa: Network Briefing ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar.

Ayon kay Naingue, dahil sa ipinatutupad na mga health protocols ngayong pandemya ay naging limitado ang kilos ng kanyang organisasyon kung saan kabataan ang mga miyembro nito.

Isa aniya sa mga prioridad nito ay ang pagpapalakas ng edukasyon, kung saan kahit nariyan si COVID ay patuloy ang kanilang pamamahagi ng mga school supplies, facemask at mga safety materials kasama na ang libreng imprenta ng mga module para sa mga kabataan sa pamamagitan ng kanilang ‘Student Station Program.’

Napamangha rin nito si Sec. Andanar sa kanilang programang ‘Talent Academy.’ Ayon kay Sec. Andanar, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita siya na isang SK ay nakapagpatayo ng ‘talent academy’.

Sabi pa ni Naingue, ang programang ito ay naglalayong, ma-develop ang mga talento at maging produktibo ang mga kabataan sa Brooke’s Point.

Dagdag pa nito, na sa talent academy, ang mga kabataan dito, sila-sila ang magtutulungan upang mahasa ang kanilang talento. Halimbawa aniya, kung sino ang magaling umawit o sumayaw, sila ang magtuturo sa mga kabataan na gustong matuto.

Isa rin aniya itong paraan upang maiiwas ang mga kabataan na sumapi sa makakaliwang grupo.

Sa kasalukuyan aniya ay nasa 100 na ang mga kabataang kasapi ng talent academy. (OCJ/PIA-MIMAROPA)

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry