Matapos ang 30 taon na pagtatago dahil sa pagtakas sa Inagawan Sub-colony ay muling naaresto ang 57 taong gulang na si Cresencio Pangalay, alyas Sencio, ng mga awtoridad noong January 13 sa Brgy. Princess Urduja sa bayan ng Narra.

Ayon sa ulat na inilabas ng Police Provincial Office (PPO), si Pangalay na “escaped prisoner” ng Inagawan Sub-colony noon pang 1993, ay muling nadakip ng mga personnel ng Narra Municipal Police Station (MPS) at Bureau of Corrections (BUCOR) bandang alas kwatro ng hapon ng Biyernes.

Bago siya muling nadakip ay nakipag-ugnayan muna ang Narra MPS sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) upang beripikahin ang pagkakakilanlan nito kaya napag-alaman na ito ay mula sa Quezon City sa Maynila at nasintensyahan dahil sa kasong robbery hold-up.

Tumakas ito noong 1993 habang pinagsisilbihan ang sintensya sa Inagawan Sub-colony at nagtago sa Sitio Mariwara sa Brgy. Princess Urduja.

About Post Author

Previous articleDalawang lalaki, nasa ospital sa Taytay dahil sa tinamong sugat mula sa aksidente
Next articleMaster plan preparation to guide dev’t of Puerto Princesa’s envi estate set to begin
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.