Isang construction worker na pinaghahanap ng mga pulis ang nahulihan ng improvised na mga baril sa Purok Centro, Brgy. Lucbuan, Sabado ng gabi.

Ang suspek ay kinilalang si Eduardo Gacilos Cabiguen Jr., 34, at residente ng nasabing lugar.

Isinagawa ng mga tauhan ng Puerto Princesa City Police Station 1 at City Mobile Force Company ang Search warrant na iginawad ni Judge Jocelyn Sundiang Dilig, acting Executive/Presiding Judge Branch 47 Regional Trial Court ng Palawan at Puerto Princesa City noong ika-25 ng Hulyo.

Nakuha mula sa suspek ang dalawang improvised rifle at isang improvised pistol.

Ayon naman kay P/maj. Lorence Bataller, Station Commander ng Puerto Princesa City Police Station 1, ang suspek ay inireklamo umano ng kanyang mga kapitbahay dahil sa kanyang mga ginagawang nakakaperwisyo sa kanila, bukod pa rito maraming reklamo na ang natanggap ng Barangay ukol sa suspek.

“Actually, ang kwento nitong suspek na ito ay isinumbong siya ng mga kapitbahay nya, sakit sa ulo sa barangay ‘yon, kaya inapplyan namin ng search warrant ‘yon, actually may mga case case ‘yang suspek na ‘yan, pero hindi lang namin sigurado, kung ‘yong case nya nag-prosper, pero sa barangay, marami siyang naging kaso, kasong pambarangay, ‘yon ang sabi, pero pinapaverify pa natin sa mga tao ko, sa korte na baka may standing warrant ‘yan o wala, di pa proven kasi don lang namin nalaman nong nagsalita na ang mga kagawad na may mga kaso daw ito, ” ayon kay Bataller.

Ang nakuhang mga improvised na mga baril at ang suspek ay nasa pangangalaga ngayon ng Police Station 1.

Previous articleFolic acid supplements for female students sought
Next articleIntervention sought for coco farmers hit by industry slump
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.