Patuloy pa ring ipinatutupad ng Municipal Inter-Agency Task Force (MIATF) ng bayan ng Quezon ang regulasyon para sa mga turista na nais pumasyal sa destinasyon ng bayan, partikular na sa Tabon Caves, na tanging residente lamang muna ang pinapayagang mamasyal bilang pag-iingat pa rin laban sa coronavirus disease.

Ayon kay Municipal Information Officer Noli Laurio, nasa limang buwan nang pinaiiral ang regulasyon na ito at hindi pa matiyak kung magtatagal at kung kailan muling bubuksan para sa lahat ng turista na dahil wala pang bagong desisyon ang lokal na pamahalaan, at ang National Museum.

“Lalo na po ngayon ay may banta naman tayo ng Delta variant, wala pa pong katiyakan kung bubuksan na talaga ito sa lahat pati sa mga tagalabas o hindi tagadito,” paliwanag ni Laurio noong Biyernes, Agosto 6.

Magugunitang ikalawang linggo ng Abril nang ipag-utos ng MIATF ang patakaran na tanging residente lamang ang maaaring pumasyal sa Tabon Cave dahil na rin sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Palawan at sa lungsod ng Puerto Princesa.

- Advertisement -

Paalala pa ni Laurio sa mga residente sa bayan ng Quezon na nais kumuha ng entry permit sa Tabon Cave Complex ay sundin ang mga patakarang pinaiiral.

“Tiyakin pa ring nasusunod ang health protocols gaya ng pagsuot ng face mask. Sa entrance pa lang ay inaayos na rin agad ang reminder,” ani ni Laurio.

Dagdag pa niya, naniniwala si Mayor Joselito Ayala na kailangang pagalawin ang tourism sector sa bayan na malaki ang maitutulong sa mamamayan ngunit hindi pwedeng ipagwalang-bahala ang kaligtasan ng bawat isa habang nasa gitna ng pandemya.

“Maybe soon, bubuksan na din yan for non-residents. Paghahandaan ito ng LGU at syempre ng pamunuan ng National Museum,” ani Laurio.

Previous articleLalaki patay matapos madisgrasya at mabangga pa ng sasakyan sa Bataraza
Next articleCelebrities help promote national vax program
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.