Tukoy na at nasampahan na ng kaso ang tatlong suspek sa panghoholdap at pamamaril sa isang lalaki sa Sitio Casikaan sa Barangay Bacungan, noong October 22.

Ayon sa kay P/Lt. Col. Mark Allen Palacio ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), natukoy na nila ang isa sa tatlong suspek matapos na positibo itong ma-identify ng biktimang si Allan Jason (Bronson) Lagrosa, sa pamamagitan ng mga ipinakitang mga larawan ng mga may dati ng may kaparehong kaso.

“Unidentified ang mga suspek, pero dahil ipinakita natin ang mga robbers’ gallery ng mga previous offenders natin na naka file, and among sa mga series ng mga mukha na ipinakita namin, may mga positibo siyang naituro,” pahayag ni Palacio

Maliban dito, tumugma din ang naging statement ng isang rider na unang naharang at tinutukan ng baril at saka pinabalik ng mga suspek.

“Positibo ding nakilala ng isa pang biyahero na unang dumaan ang suspek. Noong time na ‘yun, nag-aabang na ang tatlo na tinutukan siya ng baril para umiwas siya sa location kaya umalis siya. Nag U-turn umalis palayo doon sa lugar. Nakausap ng imbestigador natin yun tapos positibo niyang naituro ang itsura ng damit, na tumugma sa salaysay ng mismong biktima,” ayon pa kay Palacio.

Nilinaw naman ng PPCPO na walang inside job sa naganap na krimen.

Paliwanag ng pulisya, ang suspek na hindi muna nila pinangalanan sa media ay dati ng nabilanggo sa kaparehong kaso. Maging ang istilo nito sa pagsagawa ng krimen ay pareho.

“Trademark niya (suspek) ito. Babantayan niya ang mga bibiktimahin niya. Katulad nitong biktima, alam niya ang panahon ng pasahod, oras ng daan ng biktima sa lugar. Ganun siya magtrabaho kaya tumugma lahat ang mga impormasyon natin saka sa record niya,” ayon pa kay Palacio.

Matatandaang hapon ng October 22, nang tambangan, barilin, at tangayin ang dalang perang pampasweldo ng biktima na para sana sa mga tauhan ng isang farm sa Brgy. Bacungan.

Ang biktimang si Lagrosa na nagtamo ng tama ng bala sa braso, at tiyan, at hinampas pa ng bato sa ulo matapos na makipagbuno sa mga suspek, ay maswerteng nakaligtas.

Sa ngayon ay naisampa na sa piskalya ang kaso laban sa nakilalang suspek, at dalawang hindi pa natutukoy na kasama nito

About Post Author

Previous articlePalawan wants reproductive health taught in schools
Next articleKauna unahang Civil Service Examination sa bayan ng Brooke’s Point, isasagawa
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.