Isang wanted sa kasong panggagahasa sa Malolos, Bulacan ang dinakip ng operatiba ng Roxas Municipal Police Station (MPS) sa Barangay New Barbacan, 5:51 ng hapon ngayong Miyerkules, Abril 7.

Ang suspek ay kinilalang si Jordan Legaspi Cabalquinto, 46 anyos at residente ng nasabing lugar.

Si Cabalquinto ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Victoria Fernandez-Bernardo ng Regional Trial Court (RTC), Branch 18 ng Malolos City para sa kasong two counts of rape na may petsang February 24, 2020,

Ayon kay P/Capt. Erwin Carandang, hepe ng Roxas MPS, nakatanggap siya ng impormasyon mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame tungkol sa suspek. \

“Nakatanggap ako ng tawag from CIDG sa Crame na na-locate nila dito sa AOR (Area of Responsibility) ko ang ang suspek,” pahayag ni Carandang.

- Advertisement -

“Three years na rin kasi sya pinaghahanap at pumunta talaga siya dito para lang magtago dahil wala siyang kamag-anak dito,” dagdag niya.

Wala namang nakalaang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek na nakatakdang dalhin sa Bulacan kung saan ito sinampahan ng kaso.

Previous articleWanted person, dinakip sa Brooke’s Point
Next articleSK sa bayan ng Brooke’s Point, pinagkalooban ng mga printer para sa modules ng mga estudyante
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.