No Images found.

Suspek sa panggagahasa, arestado sa Narra

Isang lalaking Rank No. 4 most wanted sa regional level ang dinakip ng mga operatiba ng Narra Municipal Police Station (MPS) sa Purok Masagana, Barangay Sandoval sa bayan ng Narra, araw ng Biyernes, Abril 30.

Ang suspek ay kinilalang si Edwin Bonena Dela Vega, 29, na inaresto sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Arlene Guillen ng Regional Trial Court (RTC), Branch 13 (Family Court) para sa kasong three counts of rape. Walang inilaang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan niya.

Si Dela Vega ay inireklamo ng pamilya ng kanyang asawa matapos umanong gahasain niya ang menor de edad na pamangkin nito. Unang napansin umano ng pamilya ng biktima ang reaskisyon ng bata o pagiging iwas nito sa asawa ng tiyahin sa mga pagtitipon ng pamilya.

Ayon pa sa suspek, inireklamo siya ng magulang ng sinasabing biktima na ngayon ay nasa 12 taong gulang na.

“Sabi nila, six  years old daw siya noong ni-rape ko, 2014 daw yun, noon daw bumisita kami sa birthday sa kanila, doon daw nangyari yun. Pero di ko yun inaamin,” pahayag ni Dela Vega.

“November 2020 nag-attend kami ng birthday ng tatay ng asawa ko sa Sandoval. Doon, nag-away na kami ng asawa ko, pagkatapos nila mag-ipon-ipon na magpamilya,” aniya.

Hindi rin uamano niya alam ang dahilan kung bakit pinagbintangan siyang nanggahasa ng pamilya ng biktima.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry