- Advertisement by Google -

Sumuko sa mga awtoridad ng Bataraza police noong Miyerkules ang lalaking suspek sa pagpatay sa kanyang asawa at tangkang pagpatay sa kanyang sariling anak.

Nai-turn over na rin ng Barataraza police sa mga awtoridad ng Sofronio Española, kung saan nangyari ang krimen, ang suspek na kinilalang si Rogelio Udugan Sanchez, 35.

Ayon sa Bataraza police, sumuko sa kanila ang suspek at inamin ang kanyang nagawa, subalit idinadahilan nito na bugso ng kalasingan at galit niya sa asawa ang mga pangyayari.

Nauna nang naiulat ang ginawang pananaksak ni Sanchez sa kanyang asawang si Sarialyn Andisan, 24, at anak na apat na taong gulang kamakailan lamang. Naisugod sa hospital sa Brooke’s Point ang mga biktima subalit idineklarang dead on arrival ang ina na si Sarialyn.

- Advertisement -

Paliwanag ani Sanchez sa mga awtoridad, hindi nito sinasadya ang pagsaksak sa kanyang mag- ina ngunit dala na din daw ng kalasingan at galit sa misis nito kaya nagawa ang krimen.

“Nakainom daw kasi siya, tapos binubungangaan daw siya ng asawa niya, pinapagalitan siya, nagdilim na daw ang paningin niya, hindi daw niya sinasadya ang sa anak niya,” pahayag ng Bataraza MPS.

Kakaharap sa kasong parricide o paglabag sa Article 246 ng Revised Penal Code si Sanchez.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleProv’l Board demands barangay’s vigilance to curb stoning of vehicles along national highway
Next articleSupply mission to BRP Sierra Madre outpost on Ayungin Shoal goes unchallenged this time from Chinese Coast Guard
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.