Photo courtesy of Roxas Municipal Police Station.

Nahaharap sa kasong frustrated murder ang isang 18 taong gulang na lalaki dahil sa pananaga. Nangyari ang insidente Miyerkules ng gabi, sa Purok Pagkakaisa, Sitio San Dionisio, Barangay Malcampo, Roxas.

Kinilala ng Roxas Municipal Police Station (MPS) sa spot report ang suspek na si Aljohn Bacomo Requeron, residente ng nasabing barangay. Ang biktima naman ay pinangalanan na si Razzel Arzenio Dicon, 38, residente ng Malcampo.

Boluntaryong sumuko si Requeron sa mga rumespondeng pulis sa insidente, ayon sa spot report ng Roxas MPS.

Ayon kay P/MSg. Julius Falcunaya na kabilang sa team ng mga rumesponde sa insidente, nataga ni Requeron si Dicon dahil napukpok nito ng martilyo ang kanyang uncle na si Vergel Magbanua.

Ayon sa imbestigasyon, bago ito nangyari ay lasing si Dicon at nag-away sila ng kanyang asawa. Dahil dito, lumabas ito ng kanyang bahay na may dalang kutsilyo at martilyo at nag-hamon ng away sa mga kapitbahay.

Napasok ni Dicon ang bakuran ng suspek kung saan nagkaroon din ng pagtatalo. Pinilit ng suspek at ng uncle nito na pakalmahin si Dicon, pero napukpok nito ang huli ng martilyo.

Ito ang naging dahilan kung bakit kumuha ang suspek ng itak at sinasabing tinaga si Dicon na tinamaan sa likod, nagkaroon ng laceration sa kaliwang braso, at sa noo.

 

About Post Author

Previous articleThe Space to Create
Next articlePalawan’s suspect COVID-19 cases down to eight
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.